Ginabi Ka Na Naman



Ikaw na manggaggawa

Pagkilos, walang sawa

Dahil kulang ang sahod

Kayod ka lang nang kayod


Para lang makakain

Simple lang ang hangarin

Madalas kulang pa rin

Ano pang dapat gawin?


Ginabi ka na naman

Kahit work from home lang yan

Sahod mo ubos pa rin

Sa lahat ng bayarin


Bente-dos pesos lang daw

Kelangan araw-araw

Sa totoong usapan

Commute pa lang ubos yan


Ginabi ka na naman

Dahil walang masakyan

Lalo kapag maulan

Sa’n ka na lang dadatnan?


Ikaw na manggagawa

Pagkilos, walang sawa

Habang sila sa taas

Pagbulsa, walang kupas



Kasama ng larawang, Ginabi Ka Na Naman (2026).


back to top



home